|
||||||||
|
||
Pilipinas, malapit nang matapos ang programa laban sa pagkagutom
KINILALA ang Pilipinas bilang isa sa 13 mga bansang nanguna sa programa ng United Nations Food and Agriculture Organization na unti-unting nagtatagumpay laban sa pagkagutom ng mga mamamayan.
Malapit na umano ang bansa sa pagtatagumpay laban sa pagkagutom at matamo ang target bago pa man matapos ang deadline na 2015.
Kasama ng Pilipinas ang Brazil. Cameroon, Ethiopia, Gabon, Gambia, Iran, Kiribati, Malaysia, Mauritania, Mauritius, Mexico at Uruguay sa mga bansang nagtatagumpay laban sa pagkagutom ng mga mamamayan. Kabilang dito ang natamo sa MDG-1 Millennium Development Goal o hunger target, at mahati ang bilang ng mahihirap na mamamayang nagugutom sa kalagitnaan ang 2015.
Sa seremonyang idinaos sa FAO Headquarters, ginawaran ni Director General Jose Graziano da Silva ng mga diploma ang mga kinatawan ng 13 bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |