|
||||||||
|
||
melo/20141202.m4a
|
PILIPINAS, HANDA NA PARA SA APEC 2015 - Makikita si Pangulong Aquino na nagtatalumpati sa paglulunsad ng Asia-Pacific Economic Conference kick-off ceremony sa Eye Ballroom ng Green Sun Hotel sa Makati City kagabi. (Ryan Lim/Malacanang Photo Bureau)
MGA OPISYAL NG PAMAHALAAN AT PRIBADONG SEKTOR, MAGKAKASAMA SA APEC 2015 KICK-OFF RITES. Kasama ni Pangulong Aquino (pang-apat mula sa kanan) ang mga kinatawan ng gabinete at pribadong sektor sa paglulunsad ng APEC 2015 sa Makati City kagabi. (Robert Vinas/Malacanang Photo Bureau)
PINAMUNUAN ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang paglulunsad ng APEC 2015 sa isang simpleng seremonyang idinaos sa Makati City kagabi.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Aquino na sa likod ng mga pangyayaring nagaganap sa daigdig, ang mga ekonomiya sa Asia-Pasipiko ay nananatiling matatag. Ito ang dahilan kaya't pinili ng Pilipinas na pagtuunan ng pansin ng APEC ang pagkakaroon ng magandang epekto ng kaunlaran sa mga mamamayan. Ang temang "Building inclusive economies, building a better world" ay angkop at napapanahon. Ang karanasan ng Pilipinas ang makatatawag-pansin ng mga ekonomiyang kabilang sa APEC.
Anang pangulo, ang ratings na natanggap ng Pilipinas mula sa major credit rating agencies ang nagpapakita ng magandang nagaganap sa bansa. Isang bagay pa rin ang masiglang Public Private Partnership na nagkakahalaga ng US$ 1.3 bilyon na mas malaki sa pinagsama-samang nakamtan ng tatlong magkakasunod na administrasyon mula kay Pangulong Ramos, Estrada at Arroyo.
Umangat na rin umano ang Pilipinas mula noong 2010 ng may 33 bahagdan sa Global Competitiveness Report ng World Economic Forum, may 49 na baytang sa Ease of Doing Business Report ng World Bank at 40 baytang sa Corruption Perceptions Index ng Transparency International.
Idinagdag pa ni Pangulong Aquino na mula noong 1996 na maging punong-abala ang Pilipinas sa APEC, nakita ang pagpupunyagi ng mga mamamayan sa nakalipas na apat na taon ng kanyang liderato, nagbago ang lahat. Kinilala na ang bansa, iginalang na at inaasahan na ng pandaigdigang komunidad.
Makikita umano ng daigdig ang pagiging magandang halimbawa ng Pilipinas sa inclusivity at pagkakamit ng kaunlaran para sa lahat.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |