|
||||||||
|
||
Mga kawal mula sa Liberia, pinauwi na
MGA KAWAL TAPOS NA SA KWARANTINA. Pinauwi na ang higit sa 100 mga kawal na sumailalim sa 21 araw na kwarantina sa Caballo Island. Bumalik sila kamakailan mula sa Monrovia, Liberia matapos ang paglilingkod sa United Nations ng may 11 buwan. Nanatili sila sa Caballo Island sa bibig ng Manila Bay samantalang nasa kwarantina. (AFP Public Information Office Photo)
MAKAKAUWI na rin sa kanilang pamilya ang 108 mga kawal na sumailim ng 21 araw na kwarantina sa Caballo Island sa Manila Bay. Dumating sila mula sa Monrovia at dinala kaagad sa isang pulo sa bibig ng Manila Bay upang mabantayan kung mayroong sintomas ng Ebola virus.
Walang sinuman sa mga kawal ang nabatid na positibo sa virus. Isa ang natagpuang mayroong malaria at ginamot kaagad. Halos 7,000 katao na ang nasasawi dahil sa Ebola sa West Africa ayon sa World Health Organization.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |