Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maraming nababahala sa paparating na bagyong "Ruby"

(GMT+08:00) 2014-12-04 18:44:23       CRI

Maraming nababahala sa paparating na bagyong "Ruby"

LUMABAS na isang malakas na bagyo si "Hagupit" na kinikilala na sa pangalang "Ruby" sa pagpasok sa Philippine Area of Responsibility kaninang madaling araw.

Ayon sa United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, sa kanilang Flash Update, kaninang ikasampu ng umaga, si "Hagupit" ay may 860 kilometro sa silangan ng Surigao City na may lakas na 195 kilometro bawat oras at pagbugsong aabot sa 230 kilometro bawat oras at kumikilos sa direksyong kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

Inaasahang makararating sa 30 kilometro sa hilagang silangan ng Borongan City sa Eastern Samar sa Sabado ng umaga at tatama sa lalawigan ng Eastern Samar pagsapit ng tanghaling-tapat. Ayon naman sa ibang forecasts, hindi masabi kung saan daraan ang bagyo.

May isinagawa nang pre-emptive evacuation sa mga baybay-dagat. Sa Region VIII na apektado ng bagyong "Yolanda" noong nakalipas na taon, isinasagawa na ang pag-aayos ng evacuation centers at paglilikas ng mga mamamayang naninirahan sa mga tolda.

Ayon sa United Nations – OCHA, ang humanitarian country team Emergency Response Preparedness Working Group ay nag-usap na tungkol sa posibilidad na magkaroon ng pinag-isang rapid needs assessments kasama ang pamahalaan. Isang pulong sa pagitan ng National Disaster Risk Reduction Management Council, Humanitarian Country Team at pribadong sektor ang ginawa upang paghandaan ang posibleng pananalasa ng bagyo.

Idineklara ng Joint Typhoon Warning Center ng United States Navy ang bagyong "Ruby" sa isang "supertyphoon."

Ayon sa lumabas na balita sa Maynila, sa pinakahuling bulletin ng JTCW, may lakas si "Ruby" na 240 kilometro bawat oras at pagbugso na aabot sa 296 kilometro bawat oras.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>