|
||||||||
|
||
Unang pulong ng APEC 2015, inilipat sa Maynila
INILIPAT na ang Informal Senior Officials Meeting ng Asia Pacific Economic Cooperation mula sa Lungsod ng Legazpi pabalik ng Maynila dala ng masamang panahon sa Bicol.
Sinabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa na matapos ang konsultasyon sa APEC 2015 National Organizing Committee, Albay Governor Jose Sarte Salceda at iba pang stakeholders, napagkasunduang sa Maynila na lamang gawin ang pulong.
May mga pagpupulong pa rin namang magagawa sa Legazpi sa mga susunod na buwan sa pagiging punong-abala ng Pilipinas sa APEC 2015. Samantalang nakalulungkot ang desisyon, mas mabuti nang kaligtasan ng mga delegado ang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan.
Makakapagtuon din ng pansin ang pamahalaang lokal sa Bicol sa pangangailangan ng mga mamamayan sa pagdating ng masamang panahon. Tuloy ang pulong sa Makati Shangri-La Hotel sa Lunes at Martes.
Pinasalamatan din ni Executive Secretary Ochoa si Governor Salceda at ang mga taga-Albay sa pakikipagtulungan at pag-unawa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |