Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maraming nababahala sa paparating na bagyong "Ruby"

(GMT+08:00) 2014-12-04 18:44:23       CRI

Matagal na ang pinagsamahan ng mga Tsino at Filipino

MGA TSINO AT FILIPINO, MATAGAL NA ANG PAGKAKAIBIGAN.  Ito ang sinabi ni Prof. Teresita Ang See sa pagtitipong binuo ng mga mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines na sinimulan kaninang umaga.  Daang taon na umano ang namagitan sa pagkakaibigan ng mga mamamayang makikita sa mga aklat ng Kasaysayan at mga artifacts.  (Melo M. Acuna)

SINABI ni Professor Teresita Ang See na libong taon na ang pagkakaibigan ng mga Tsino at Filipino. Ito ang buod ng kanyang pahayag sa idinaos na pagtitipong binuo ng mga mag-aaral sa Polytechnic University of the Philippines kanina.

Sinabi ni Professor Ang See na makikita ang pagkakaibigan ng mga Tsino at Filipino at iba pang mga mamamayan ng Timog Silangang Asia sa mga ginawa ng mga ninunong rice terraces.

Sa isang pagsusuri ng mga dalubhasa, nabatid na ang mga carabao sa Pilipinas ay nagmula sa Tsina sapagkat naubos ang mga kalabaw noong digmaan ng mga Americano at Filipino noong 1900s. Tumulong ang mga Tsino sa pagpapadala ng may 10,000 ulo ng mga kalabaw sa bansa.

Makikita rin ang pagkakaibigan ng dalawang lahi sapagkat ang kaisa-isang dugong bughaw na nalibing sa Tsina ay isang Filipino, ang Sultan ng Sulu.

Ipinaliwanag pa ni Gng. Ang See na ang mga dumating sa Pilipinas na mga banyaga ay mga barkong pandigma ang sinakyan samantalang ang mga Tsino'y pawang mga barkong pangalakal. Isang halimbawa na umano ang kinilalang piratang si Limahong. Bagama't isang pirata, ninais niyang makipagkalakal sa mga Filipino dala ang may 62 barkong sinasakyan ng mga 8,000 mga tauhan.

Nakita rin umano ang pagpapahalaga ng mga Tsino sa Pilipinas ayon sa isang mapang natagpuan na iginuhit sa pagitan ng mga taong 1630 hanggang 1640. May 15 mga pook sa Pilipinas na binanggit sa mapa na pinaniniwalaang gawa ng Tsinong naninirahan sa bansa.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>