|
||||||||
|
||
Arsobispo Villegas, nanawagan sa madla
NANAWAGAN si Arsobispo Socrates B. Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga mamamayan na magdasal at mag-ingat sa anumang panganib na madadala ng bagyong "Hagupit" na daraan sa mga pook na tinamaan ni "Yolanda" noong nakalipas na taon.
Sa isang liham na ipinadala sa mga mamamahayag ngayong araw na ito, sinabi ni Arsobispo Villegas na nananawagan siya sa pamahalaan at mga non-government organization na simulant na ang paglilikas ngayon. Ang paghihintay o pagpapabukas pa ay maaaring magdulot ng ibayong pinsala sa buhay at ari-arian.
Nanawagan din siya sa mga simbahang Katoliko at mga paaralan na buksan ang kanilang mga pinto sa mga magsisilikas, lalo na ang mga nangangailangan ng matitirhan matapos hagupitin ng mapaminsalang bagyo noong nakalipas na taon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |