|
||||||||
|
||
/melo/20141208.m4a
|
SA pananalasa ng isa sa pinakamabagal-kumilos na bagyo sa kasaysayan ng Pilipinas, umabot sa 230,569 na pamilya o 1,066,141 katao ang pansamantalang naninirahan sa evacuation centers.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, sa kanilang ulat kaninang ika-anim ng umaga, humina ang bagyoNG "Ruby" samantalang na sa Sibuyan Sea. Kaninang umaga rin napuna na mayroong lakas na 120 kilometro bawat oras at may pagbugsong aabout 150 kilometro bawat oras at kumikilos patungo sa Oriental Mindoro.
Inaasahang tatama sa hilagang Mindoro sa pagitan ng ika-anim o ikawalo ng gabi. Sa pagsasanib ng bagyong "Ruby" at ng hanging amihan, magkakaroon ng maalong karagatan.
Sa Maynila, deklaradong walang pasok sa mga paaralan at mga tanggapan ng pamahalaan. Napakaluwag ng daloy ng trapiko sa pinaka-puso ng Maynila sa desisyon ng mga punonglungsod at ng Office of the Executive Secretary na magdeklara ng walang pasok sa mga paaralan at tanggapan ng pamahalaan. Bagaman, tuloy pa rin ang paglilinis ng mga padaluyan ng tubigbaha at pagputol sa mga sanga ng kahoy na makapipinsala sa mga kable ng kuryente.
Mayroong 2,663 mga pasaherong nakabimbin sa mga daungan. Hindi nakapaglayag ang may 94 na barko, 644 na rolling cargoes at tatlong bangkang de motor. Mayroon ding 183 domestic flights ang kanselado. Labing-pito namang mga international flights ang 'di natuloy dahil sa sama ng panahon.
Sa pagdaan ni "Ruby" sa bansa, halos kalahating bilyong pisong halaga ng sektor ng pagsasaka ang nawala.
Sa isang press briefing, sinabi ni Kalihim ng Pagsasakang Proceso Alcala, Jr., base sa kanilang initial reports sa pinsala sa mga panahong ito, aabot ito sa P 498.27 milyon sa mga halalam, mga isdaan, mga hayupan at mga infrastructure.
Idinagdag pa ni Kalihim Alcala na marami sa mga magsasaka ang nakaani ng kanilang palay at iba pang pananim. Ang mga hindi pa maaaring anihin ay makababawi pa sa susunod na taon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |