|
||||||||
|
||
Mga obispo, nanawagang wakasan na ang human trafficking
NAPAPANAHONG wakasan na ang pagkalakal sa tao. Ito ang panawagan ng Catholic Bishops Conference sa kanilang pastoral letter na inilabas kahapon.
Sa pahayag na nilagdaan ni Lingayen-Dagupan Archbishop at CBCP president Socrates B. Villegas, ipinaliwanag ng mga obispong ang human trafficking ay isang makabagong paraan ng pang-aalipin nakahalintulad ng mga naganap noong mga nakalipas na siglo. Ito ang labag sa batas na pagkakalakal ng tao at ng bahagi ng katawan ng tao.
Nagiging biktima ang mga tao dahilan sa pangloloko, paggamit ng dahas at pananakot. Ipinagbibili ang mga tao bilang mga alipin, mga nagbibili ng aliw, nagbibili ng mga bahagi ng katawan ng tao at ginagamit na kalakal ng mga sindikato.
Sa bawat taon, umaabot umano sa 800,000 mga bata, kababaihan at kalalakihan ang tinatratong kagamitan, parausan at ipinagbibili ng makailang-ulit. Sinasabing may 150,000 sa mga ito ang mula sa Pilipinas.
Marami ring mga Filipino ang nangingibang bansa sa paghahanap ng mas magandang buhay at marami sa kanila ang nauuwi sa panggigipit ng mga sindikato at iba pang mangangalakal.
Ani Arsobispo Villegas, napapanahong magwakas na ang karumal-dumal na krimeng ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |