|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, patungong Timog Korea
MAKAKASAMA ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang ibang mga pinuno ng ASEAN sa Busan upang ipagdiwang ang ASEAN – Republic of Korea 25th Anniversary Commemorative Summit sa darating na Huwebes at Biyernes, ika-11 at ika-12 ng Disyembre.
Kasama ni Pangulong Aquino at siyam na iba pang pinuno ng ASEAN ang magtatalumpati sa ngalan ng kani-kanilang mga bansa sa temang "Building Trust, Building Happiness," na nagpapakita ng pagpapatotoo sa pangako ng Republic of Korea na mapalakas ang pakikipag-kaibigan sa ASEAN sa pagtitiwala at kaginhawahan ng mga mamamayan ng ASEAN at ng Republic of Korea.
Dalawang commemorative summit sessions sa ika-12 ng Disyembre sa Busan Exhibition Convention Center ang sasaklaw sa pagbabalik-aral sa ASEAN-Republic of Korea cooperation sa non-traditional security issues na may diin sa climate change at disaster risk management.
Sa Huwebes, magkakaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Park Geun-hye, na punong-abala sa welcome dinner at cultural performance upang pormal na salubungin ang mga pinuno ng ASEAN.
Magkakaroon din ng exhibition sa Korean traditional arts and crafts, isang espesyal na exhibition sa public governance at pakikipag-usap sa Chief Executive Officer ng Korea Aerospace Industries at mga opisyal ng bansa. Magkakaroon din ng isang oras na pakikipag-pulong sa mga mamamahayag mula sa PIlipinas sa Paradise Hotel Busan. Kasama sa pulong sina Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario at iba pang mga opisyal ng gabinete, ASEAN – Philippines Director-General Luis T. Cruz at mga opisyal mula sa executive department.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |