|
||||||||
|
||
Komunikasyon, problema pa rin
ISANG malaking problema sa Eastern Visayas ang kawalan ng paraan upang makapagbalitaan ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan at non-government organizations. Problemado ang cell sites sa dinaanan ng bagyo kaya't tanging Single Side Band (SSB) ang maasahan ng Philippine Red Cross at maging Philippine Navy.
Ito ang lumabas na problema sa Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga. Bagaman, may back-up silang mga satellite phones. Ayon kay Eric Salve, Disaster Management Section chief ng Philippine Red Cross, mayroon silang survey ng mga mamamayan sa nasalantang mga pook kaya't natataya na nila kung ilan ang mangangailangan ng pagkain at iba pa.
Sa panig ni Dr. Claire Reyta, ang manager ng Health Services ng Philippine Red Cross, mayroon na silang mga gamot na naipadala sa kanilang provincial offices at hubs sa Kabisayaan. Wala pa silang ipadadalang mga duktor at tanging narses ang kanilang ididestino sa mga pook na paglalagyan ng kanilang field hospitals.
Niliwanag na man ni Lt. Commander Marineth Riano – Domingo na mayroon silang mga nakahandang mga sasakyang dagat na magdadala ng mga relief goods. Nakahanda ang kanilang mga sasakyang-dagat sa Cebu, Palawan at maging sa Cavite. Naghihintay lamang sila ng utos mula sa Department of Social Welfare and Development.
Sa mga oras na ito, sangkot ang mga tauhan ng Philippine Navy sa clearing operations ng mga lansangan sa kanilang nasasakupan. Sa katungan kong hindi nanganganib ang mga tauhan ng pamahalaan sa posibleng pananalakay ng mga armadong gerilya ng New People's Army, sinabi ni Lt. Commander Domingo na pinaghandaan na rin nila ang anumang posibilidad.
Para kay Anna Abad ng Greenpeace, napapanahong suriin ng bansa kung ano ang magagawa upang masugpo ang anumang paglala ng kalagayan ng kapaligiran. Ang pagpapabaya ninuman ay makadagdag sa suliraning kinakaharap ng buong daigdig. Matindi na ang epekto ng climate change sa mga nagaganap ngayon, dagdag pa ni Bb. Abad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |