|
||||||||
|
||
Pilipinas naniniwalang makatutulong ang pagsasanib sa ekonomiya
NANINIWALA si Kalihim Arsenio M. Balisacan na makatutulong ang pagsasanib ng ekonomiya sa Asia-Pacific region upang higit na lumakas at mapadali ang kalakalan at paglalagak ng mga negosyo sa mga bansang kabilang sa Asia – Pacific Economic Cooperation.
Sa kanyang talumpati sa Informal Senior Officials' Meeting (ISOM) sa Makati Shangri-La Hotel kaninang umaga, sinabi ni Kalihim Balisacan na mula noong 1996, naging maganda ang takbo ng mga ekonomiya ng APEC member cpountries. Nakakabawi na rin mula sa Global Financial Crisis na naganap noong 2007 hanggang 2008. Sa susunod na dalawang taon, ang kaunalran sa rehiyon ay inaasahanag makararating sa 3.8%.
Nananatiling maganda ang kalagayan ng Timog Silangang Asia. Layunin ng APEC 2015 na higit na madama ng nakararami ang kaunlarang natatamo at ang nagkakaisang layunin upang manatiling matatag ang kaunlaran. Angkop umano ang tema na "Building Inclusive Economies, Building a Better World."
Nangangamba lamang si Kalihim Balisacan sa mabagal na pagbawi mula sa Global Financial Crisis at mabagal na pag-unlad ng daigdig ang siyang magiging sagabal sa mga magiging talakayan sa APEC.
Kailangan ding pumasok sa eksena ang Small and Medium Enterprises. Ani G. Balisacan, 90% ng mga kalakal sa APEC economies ay walang mga SME. Sa oras na magtagumpay ang pagpasok ng SMEs, tiyak na mas maraming makikinabang.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |