Marami po sa ating mga kababayang Pinoy na naririto sa Tsina ang may pangarap na magtagumpay sa kanilang piniling karera, tulad po ng inyong lingkod. Ang ibang mga Pinoy naman ay naging matagumpay na, tulad nina Cable News Network (CNN) Beijing Bureau Chief Jimi FlorCruz, National Broadcasting Corporation (NBC) Beijing Bureau Chief Eric Baculinao, at marami pang iba. Maliban sa mga Pinoy, marami ring ibang dayuhan, na kung tawagin ay mga "laowai," ang nangangarap na sumikat sa pamamagitan ng kanilang ibat-ibang talento. Isa na po riyan, si Chelsea. Siya po ay isang Canadian-Chinese na gustong maging number one dual language host sa buong China. Medyo mabigat po ang kanyang pangarap ano po? Makamtan naman kaya niya ang kanyang pangarap? Narito po ang kanyang kuwento.