Alam po ninyo, dito sa Tsina, dumarami ang mga kabataang hirap sa makahanap ng BF at GF. Bakit ka n'yo? Isa sa mga dahilan ay ang pagiging bugtong na anak. Dahil ang mga kabataang Tsino ay kadalasang nag-iisang anak at hindi sana'y makisalamuha at makipag-usap sa mga miyembro ng opposite sex, kakaunti ang pagkakataon na mahanap nila ang tamang partner, o iyong tinatawag na Mr. at Ms. Right. Isa pa pong dahilan ay ang masyadong pagbibigay importansya sa mga pisikal na pagmamay-ari ng tao. Ano po ang ibig sabihin niyan? Mayroon po kasing mga kabataan na nagbibigay ng masyadong importansya sa bahay, kotse, at ipon sa bangko ng kanilang hinahanap na ka-partner. Pero, sa kabila nito, umuusbong din ang bilang ng mga Tsinong nakakapag-aral sa ibang bansa, at nabubuksan ang pag-iisip sa kung paano maghanap ng ka-partner ang mga tao sa ibang bansa: sa madaling salita, pagbibigay ng importansya sa personalidad at abilidad ng isang tao, sa halip na pisikal na pagmamay-ari. At diyan po papasok an gating kuwento ngayong gabi.
Si Alex Edmunds ay isang Amerikanong nagtatrabaho at naninirahan sa Tsina: sa madaling salita, siya po ay isang laowai. Siya rin po ang founder na kung tawagin ay COUCOU8. Ano po ito? Ang COUCOU8 ay isang online dating service na may operasyon sa Beijing at Shanghai. Paano naman ito naiba sa ibang online dating website? Pakinggan po natin ang kuwento ni Alex.