|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino at mga pinuno ng simbahan, nagpulong
PINAG-USAPAN nina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, security officials at mga pinuno ng simbahan ang paghahanda sa pagdalaw ni Pope Francis sa susunod na linggo.
Sa isang press briefing, sinabi ni Communications Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. na dumalo rin ang mga miyembro ng gabinete at mga alagad ng batas.
Bilang paghahanda, pinagbalik-aralan nila ang mga naganap na okasyong kinatampukan ng maraming tao tulad ng kapistahan ng Itim na Nazareno at ang "Wowowee stampede" na ikinasawi ng may 400 katao noong 2006.
Kabilang sa mga dumalo sina Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |