|
||||||||
|
||
Diumano'y panggagantso ng DOTC kinondena
PINUNA ni Bayan Muna Congressman Neri Colmenares ang diumano'y panggagantso ng Department of Transportation and Communications sa madla sa pagsusulong ng dagdag-pasahe samantalang pumasa na ang budget ng ahensya para sa pag-aayos ng Metro Rail Transit at Light Rail Transit para sa taong ito.
Niloko umano ng DOTC ang madla at pamahalaan sa pagpapatupad ng fare increase samantalang ipinasa na ng Kongreso ang budget nito. Hinintay pa umano ng DOTC na ipasa ang budget bago nagpahayag ng fare increase. Nagkaroon ng dagdag singil upang magpatupad ng rehabilitation and repair.
Ipinaliwanag pa ni G. Colmenares na nasa 2015 General Appropriations Act ang hiniling ng DOTC na P 977.69 milyon para sa pag-aayos ng LRT 1 at 2 at ang rehabilitation nito. Humiling pa rin ang DOTC ng P 2.569 bilyon para sa MRT rehabilitation sa General Appropriations Act at mayroon pang P 957 milyon sa ilalim ng supplemental budget.
Binanggit naman ni DOTC Undersecretary Jose Lotilla na kailangan nila ang pondo dahilan sa masamang kalagayan ng mga riles na ilang dekada nang ginamit.
Ginamit na ang MRT noong 1999, ang LRT 1 naman ay noong 1984 samantalang ang LRT 2 ay pinakinabangan mula noong 2003.
Mula noong ika-apat ng Enero, tumaas na ang pasahe sa LRT at MRT ng mula 50 hanggang 87 porsiyento. Ang pasahe sa MRT 3 ay tumaas ng mula P 15 hanggang P 28.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |