|
||||||||
|
||
Pamahalaan, nanawagan sa mga Pinoy: Lumisan na kayo sa Yemen
SA patuloy na kaguluhan sa Yemen sa paglala ng kalagayan ng politika, seguridad at mga sagupaang nagaganap, nanawagan ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh na mas makabubuting lumisan na lamang sila upang makaiwas sa peligro.
Ang Yemen ay nasa ilalim ng Alert Level 3 o voluntary repatriation ngayon at mayroong total deployment ban kabilang na ang mga nagbabakasyon at pabalik sa Yemen.
Ang mga Filipino na nais gumamit ng voluntary repatriation ay nararapat makipagbalitaan sa Crisis Management Team (CMT) sa Sana'a upang matulungan kaagad. Maaari silang magparehistro sa pamamagitan ng website ng Philippine Embassy sa Riyadh sa pamamagitan ng www.philembassy-riyadh.org.
Ang Crisis Management Team at nasa Movenpick Hotel Sana'a sa Berlin Street, Sana'a, Yemen at mayroong mobile number na +967 73 3844958. Puede rin silang dumulog kay Mohammed Saleh Al Hamal, Honorary Consul sa Philippine Consulate sa Sana'a sa Hadda Area, Damascus Street sa Sana'a, Yemen at sa telepono bilang +967 1 416751 at mobile number +967 777255511.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |