|
||||||||
|
||
Rene Liu
|
Noong 1990, pumasok si Rene sa istudyo ni Bobby Chen, at naging isang asistante. Doon siya nag-aral siya ng pop music. Si Bobby Chen ay isa sa mga beteranong mang-aawit ng Taiwan at talented music producer. Sa panahong iyan, na-in love si Rene Liu sa kanyang guro na si Bobby Chen. Sumulat si Bobby Chen ng mga awit para kay Rene, at dahil tinawag ni Bobby si Rene na "milk tea," ito ang naging isa pang stage name ni Rene Liu.
Sa simula, naunang umibig si Rene sa kanyang guro, pagkatapos, inamin din ni Bobby Chen na mahal na rin niya si Rene. Kaso, sila ay guro at estudyante, at may asawa na si Bobby Chen, hindi siya puwedeng magkakaroon ng love affair. "She's young, she deserves a better life," ani Chen. Sumulat si Chen ng isang awit "Sorrow for myself," sa lyrics, sinabi niyang "leave the sorrow for myself, let you go with your beauty, but from now on, I will never be happy." Walang resulta ang kanilang relationship sa bandang huli, Nanatiling kasal si Chen. At noong 2011, napangasawa ni Rene Liu ang isang negosyante sa Beijing.
Noong 1996, nilisan ni Rene ang istudyo ni Chen. Naging sobrang bilis ang progreso ng kanyang karera sa musika at mabilis siyang nakilala. Di-nagtagal, naging mas popular si Rene kaysa kay Bobby Chen. Pero, sa kabila nito, inamin ni Rene na si Bobby Chen ay may malaking impluwensiya sa kanyang music career at buong buhay. Noong 1998, inilabas ni Rene ang album na "love you so much," at matagumpay ang album na ito.
Kasunod ng pagtatamo ng tagumpay ni Rene sa pagkanta, natamo rin niya ang tagumpay sa pelikula at TV drama. Noong 1995, sa kauna-unahang pagkakataon, lumabas si Rene sa pelikulang "My Peony Pavilion" at ang theme song ng palikulang ito, "Crazy for Love" ay nagtamo ng Best of the 32nd Golden Horse Film Song Award ng taong iyon.
Noong 1997, dahil sa mahusay na paglabas ni Rene sa pelikulang "Beautiful singing," natamo niya ang Tokyo International Film Festival Best Actress. Noong 1998, ang kanyang pelikulang " Personals " ay nagtamo ng maraming gantimpala: Taipei Film Festival Best Actor, Taiwan Golden Horse Film Special Jury Award, Asia Pacific Film Festival Best Actress, at Paris International Film Special Mention award.
Noong taong 2000, ipinalabas muli ni Rene Liu ang isa pang album " I'll wait for you " ang isang aiwt na pinamagatang "afterwards " ay naging isa pang masterpiece ni Rene.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |