|
||||||||
|
||
现在的汇率是多少 美元又跌了
20150128Aralin40Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Kaugnay ng pagpapapalit ng pera, mahalagang malaman ninyo ang hinggil sa halaga ng palitan. "Magkano ang palitan?"
现(xiàn)在(zài)的(de)汇(huì)率(lǜ)是(shì)多(duō)少(shǎo)?
现(xiàn)在(zài), ngayon.
的(de), katagang kasunod ng pangngalan o nominal structure para gawing pang-uri ang parirala.
汇(huì)率(lǜ), halaga ng palitan.
是(shì), katagang ginagamit kasunod ng pangngalan para magbigay-diin.
多(duō)少(shǎo), magkano.
Narito ang ikalawang usapan:
A: 现在(xiànzài)的(de)汇率(huìlǜ)是(shì)多少(duōshǎo)?Magkano ang palitan?
B: 人民币(rénmínbì)对(duì)美元(měiyuán)是(shì) 7:1。Pitong RMB sa isang dolyar.
Susunod: Muli na namang bumaba ang dolyar.
美(měi)元(yuán)又(yòu)跌(diē)了(le).
美(měi)元(yuán), US dollar o dolyar.
又(yòu), na naman.
跌(diē), bumaba;了(le), katagang ginagamit kasunod ng pandiwa para ipakita ang kaganapan ng aksyon. 跌(diē)了(le), bumaba na.
Narito ang huling usapan:
A: 美元(měiyuán)又(yòu)跌(diē)了(le)。Bumaba na naman ang US dollar.
B: 是(shì)。要是(yàoshi)上个星期(shànggèxīngqī)换(huàn)就(jiù)好(hǎo)了(le)。Dapat pala nagpapalit na ako noong nakaraang linggo.
A: 其(qí)实(shí)也(yě)差(chà)不(bù)了(liǎo)多(duō)少(shǎo)。Kung tutuusin, hindi naman talagang malaki ang diperensiya.
Narito po ang Mga Tip ng Kulturang Tsino.
Ang pag-iimpok ay pinakatradisyonal na paraan ng pangangasiwa sa pondong salapi sa Tsina. Ang mga Tsino ay may magandang katangian ng pagtitipid sa pangangasiwa sa mga gawaing pambahay at sa loob ng mahabang panahon, hinihikayat ng pamahalaan ang mga mamamayan na mag-impok. Sapul noong Reporma at Pagbubukas sa katapusan ng 1970s, ang konseptong piskal ay nagbago nang malaki lalo na pagdating sa ari-arian at pamilihan ng mga sapi o stocks. Nitong mga taong ito, maraming mamamayan ang naglalabas ng pera nila sa bangko para bumili ng mga sapi, pondo, seguro o bahay. Gayunman, sa pangkalahatan, ang pag-iimpok ay magpapatuloy bilang siyang pinakapangunahing paraan ng pangangasiwa sa personal na pondong salapi. Ang paghanap ng kapanatagan at pag-iwas sa panganib o risks ang binibigyan ng priyoridad ng nakakarami.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook, website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino===>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |