|
||||||||
|
||
我想剪头发 修一下就可以了
20141218Aralin35Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Napag-aralan natin sa nakaraang leksyon ang mga katagang ginagamit kapag nagpapa-book sa hotel. Sa atin namang aralin sa linggong ito, pag-aaralan natin ang mga pangungusap na madalas na ginagamit kung tayo ay nagpupunta sa barberya o parlor para magpagupit ng buhok.
Ang "gusto kong magpagupit ng buhok" sa wikang Tsino ay:
我(wǒ)想(xiǎng)剪(jiǎn)头(tóu)发(fà).
我(wǒ), ako.
想(xiǎng), gusto.
剪(jiǎn), putulin o gupitin.
头(tóu), ulo; 发(fà), buhok; 头(tóu)发(fà), buhok.
Narito ang unang usapan:
A: 我(wǒ)想(xiǎng)剪(jiǎn)头发(tóufà)。Gusto kong magpagupit ng buhok.
B: 你(nǐ)想(xiǎng)怎么(zěnme)剪(jiǎn)? Ano ang gusto mong gupit?
A: 修(xiū)一下(yíxià)就(jiù)可以(kěyǐ)了(le)。Trim lang.
B: 好(hǎo)的(de)。请(qǐng)先(xiān)洗(xǐ)头(tóu)。Okey. Hugasan muna namin ang buhok mo.
Siyempre, tatanungin tayo ng barbero kung ano ang gusto nating gupit. Sabihin nating gusto lang ninyo ng trim.
Ganito sabihin sa wikang Tsino ang "trim lang okey na."
修(xiū)一(yí)下(xià)就(jiù)可(kě)以(yǐ)了(le).
修(xiū), mag-trim.
一(yí)下(xià), pariralang ginagamit kasunod ng pandiwa na nangangahulugang konti.
就(jiù), lang.
可(kě)以(yǐ), okey na.
了(le), katagang pangkahilingan.
Naritong muli ang unang usapan:
A: 我(wǒ)想(xiǎng)剪(jiǎn)头发(tóufà)。Gusto kong magpagupit ng buhok.
B: 你(nǐ)想(xiǎng)怎么(zěnme)剪(jiǎn)? Ano ang gusto mong gupit?
A: 修(xiū)一下(yíxià)就(jiù)可以(kěyǐ)了(le)。Trim lang.
B: 好(hǎo)的(de)。请(qǐng)先(xiān)洗(xǐ)头(tóu)。Okey. Hugasan muna namin ang buhok mo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |