|
||||||||
|
||
能上网吗 水电费和煤气费怎么交 房租多少钱
20150111Aralin37Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Manigong Bagong Taon, mga giliw na tagasubaybay!
好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Sa araling ito, ipagpapatuloy natin ang paksa na may kinalaman sa pag-upa ng bahay. Maaaring gusto ninyong malaman kung: "Mayroon ba silang Internet." Ganito ito sasabihin sa wikang Tsino:
能(néng)上(shàng)网(wǎng)吗(ma)?
能(néng), puwede o maaari.
上(shàng)网(wǎng), mag-online.
吗(ma), katagang pananong.
Narito ang unang usapan:
A: 能(néng)上网(shàngwǎng)吗(ma)? Makakakonekta ba ako sa Internet dito?
B: 可以(kěyǐ)上网(shàngwǎng)。Oo, makakakonekta ka.
Siyempre, sa pag-upa ng bahay, kailangan din ninyong malaman kung paano sabihin ang "Paano ako magbabayad ng tubig, koryente at gas."
水(shuǐ)电(diàn)费(fèi)和(hé)煤(méi)气(qì)费(fèi)怎(zěn)么(me)交(jiāo)?
水(shuǐ), tubig; 电(diàn), koryente; 费(fèi), bayarin; 水(shuǐ)电(diàn)费(fèi), mga bayarin sa tubig at koryente.
和(hé), at.
煤(méi)气(qì), gas; 费(fèi), bayarin; 煤(méi)气(qì)费(fèi), bayarin sa gas.
怎(zěn)么(me), paano.
交(jiāo), magbayad.
YOK: 交(jiāo).
Narito ang ikalawang usapan:
A: 水电费(shuǐdiànfèi)和(hé)煤气(méiqì)费(fèi)怎么(zěnme)交(jiāo)? Paano ako magbabayad ng tubig, koryente at gas?
B: 去(qù)银行(yínháng)交(jiāo)就(jiù)可以(kěyǐ). Puwede kang magpunta sa bangko para magbayad.
Mahalaga ring itanong: Magkano ang upa?
房(fáng)租(zū)多(duō)少(shǎo)钱(qián)?
房(fáng), bahay, apartment, kuwarto; 租(zū), upa; 房(fáng)租(zū), upa.
多(duō)少(shǎo), ilan; 钱(qián), pera; 多(duō)少(shǎo)钱(qián), magkano.
Magkano ang upa? 房(fáng)租(zū)多(duō)少(shǎo)钱(qián)?
Narito ang ikatlong usapan:
A: 房(fáng)租(zū)多(duō)少(shǎo)钱(qián)? Magkano ang upa?
B: 月(yuè)租(zū)2800元(yuán)。2,800 yuan bawat buwan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |