|
||||||||
|
||
请您先拿号 再去那边等候 我想取点钱
20150121Aralin39Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay.好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Noong nakaraang aralin, nagpokus tayo sa mga espresyong may kinalaman sa paglipat-bahay.
Sa araling ito, magtutungo tayo sa pag-aaral ng mga ekspresyon na may kinalaman sa pagdedeposito at paglalabas ng pera sa bangko.
Pagdating ninyo sa bangko, normal lamang na sabihin nila sa inyo na: Pakikuha lang po muna ng numero tapos pakihintay lang doon.
请(qǐng)您(nín)先(xiān)拿(ná)号(hào),再(zài)去(qù)那(nà)边(biān)等(děng)候(hòu).
请(qǐng), pakiusap.
您(nín), kayo, magalang na porma ng 你(nǐ) na nangangahulugan ng ikaw.
先(xiān), muna.
拿(ná), kumuha.
号(hào), numero.
再(zài), tapos.
去(qù), magpunta.
那(nà)边(biān), doon.
Kapuwa ang等(děng) at ang 候(hòu) ay nangangahulugan ng maghintay; 等(děng)候(hòu), maghintay.
Narito ang unang usapan:
A: 请(qǐng)您(nín)先(xiān)拿(ná)号(hào),再(zài)去(qù)那边(nàbiān)等候(děnghòu)。Pakikuha lang po muna ng numero tapos pakihintay lang doon.
B: 好的(hǎode)。谢谢(xièxiè)。Okey. Ssalamat.
Sabihin muna natin na kailangan ninyong maglabas ng pera sa bangko. Gusto kong kumuha ng pera.
我(wǒ)想(xiǎng)取(qǔ)点(diǎn)儿(ér)钱(qián).
我(wǒ), ako.
想(xiǎng), gusto.
取(qǔ), maglabas o kumuha.
点(diǎn)儿(ér), salitang panukat na tumutukoy sa konti.
钱(qián), pera.
Narito ang ikalawang usapan:
A: 您好(nínhǎo)。Helo po.
B: 你好(nǐhǎo)。Helo.
A: 您(nín)办理(bànlǐ)什么(shénme)业务(yèwù)? Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?
B: 我(wǒ)想(xiǎng)取(qǔ)点(diǎn)儿(ér)钱(qián)。Gusto kong kumuha ng (kaunting) pera.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |