|
||||||||
|
||
银行星期日休息吗
Wikang Tsino
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Susunod: "Sarado ba ang mga bangko kung Linggo?"
银(yín)行(háng)星(xīng)期(qī)日(rì)休(xiū)息(xī)吗(ma)?
银(yín)行(háng), bangko.
星(xīng)期(qī), linggo; 日(rì), araw; 星(xīng)期(qī)日(rì), araw ng Linggo.
休(xiū)息(xī), magpahinga o walang pasok.
吗(ma), katagang pananong na ginagamit sa hulihan ng pangungusap.
YOK: 吗(ma).
Narito ang ikatlong usapan:
A: 银行(yínháng)星期日(xīngqīrì)休息(xiūxī)吗(ma)?Sarado ba ang mga bangko kung Linggo?
B: 不(bù)休息(xiūxī)。早上9点(zǎoshangdiǎn)开门(kāimén)。Hindi, hindi sila sarado. Nagbubukas sila, alas-nuwebe ng umaga.
A: 明(míng)天(tiān)早(zǎo)上(shang)我(wǒ)就(jiù)去(qù)交(jiāo)费(fèi)。Pupunta ako roon para magbayad ng bayarin bukas ng umaga.
Kasiyahan po natin ang Mga Tip ng Kulturang Tsino:
Ang mga bangko ay gumaganap ng mahalagang papel sa buhay ng mga mamamayanmg Tsino. Sa mga bangko, bukod sa pag-iimpok at paglalabas ng pera, makakapagbayad din kayo ng mga bayarin sa telepono at Internet, makakabili ng koryente, makakapag-aplay para sa utang, makakapagpalit ng pera at makakabili ng mga produktong pinansiyal. Upang mapagsilbihan nang higit na mabuti ang publiko, ang mga pangunahing bangko ay nagsasagawa ng mga hakbangin para mapaganda ang kanilang serbisyo, sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga ATM, beinte-kuwatro oras na self-service banking at pagpapabago sa mga atityud at kakayahan sa trabaho ng kanilang mga empleyado.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino===>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |