|
||||||||
|
||
Jay Chou
|
Bago magpakasal si Jay, ang kanyang ina, ang tanging babae sa kanyang buhay. Sa kanyang kabataan, ang ama at ina niya ay nagdiborsyo at pinalaki si Jay ng kanyang ina. Sinabi ni Jay na kung mag-aasawa siya, dapat sang-ayunan muna ng ina ang kanyang wife –to-be. Noong 2003, ipinalabas ni Jay ang isa pang album na pinamagatang "Ye Hui Mei," mula sa pangalan ng kanyang ina. Bukod dito, sinulat din niya ang awit na "Nakikinig sa Salita ng Ina."
Noong 3 taong gulang pa lang si Jay, ibinili siya ng isang piano ng nanay. Mula noong panahon iyan, ang piano ang naging pinakatapat na kaibigan ni Jay. At dahil sa kanyang talento sa pagtugtog ng piano, kahit hindi pa nakapasa sa eksaminasyon ng enrollment sa high school, natnggap si Jay sa high school. Noong 2005, ipinalabas niya ang album na "Chopin in November," nagpapakita ng kanyang galang kay "Piano Poet" Chopin.
Noong 1997, lumahok si Jay sa isang talent show sa TV. Napansin ni Jacky Wu, isang kilalang host ng Taiwan, ang talent ni Jay; siya rin ay boss ng isang recording company, Di-naglaon, pumirma ng kontrata si Jay sa kompanya ni Jacky Wu. Sa panahong iyan, sumulat si Jay ng awit para sa mga kilalang mang-awit na gaya nina Andy Lau at Sherry Chang Huei-mei. Pero, hindi tinanggap ng mga star ang kanyang mga obra.
Pinayuhan ni Jacky Wu si Jay na kantahin mismo ang kanyang mga likha. Noong 2000, ipinalabas ni Jay ang kanyang unang album "Jay" unexpectedly. Ang album na ito ay naging sobrang popular, at dahil dito, natamo ni Jay ang tatlong gantimpala sa Taiwan, Best Album, Best Producer at Best Composer sa taong 2001.
Wala pang isang taong nakalipas, ipinalabas ni Jay ang kanyang ika-2 album, "Fantasy." Ginawang MTV ang lahat ng 10 awit sa album na "Fantasy," at ini-promote ang mga ito sa buong Asya. Dahil sa album na ito, tinanggap si Jay ng mas maraming tao. At dahil sa pagtatagumpay ng "Fantasy," nabuo rin ang kanyang sariling estilo.
Noong isang buwan, idinaos ang wedding ni Jay Chou at Hannah sa isang sinaunang castle sa Britanya. Bakit sa isang castle? Si Jay ay isang super fans ng sinaunang castle ng Europa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |