Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Jane Zhang

(GMT+08:00) 2015-02-26 17:54:25       CRI

Si Jane Zhang ay galing sa lalawigang Sichuan, Tsina, 31 years old. Noong 2005, unang lumabas sa mata ng publiko si Jane Zhang dahil sa kanyang paglahok sa super girl, isang talent at singing contest ng Hunan TV. Natamo ni Jane ang ikalawang puwesto at mula noon, nagsimula ang kanyang karera sa sirkulo ng musika bilang "whistle register prinsess."

Noong 2005, nilagdaan ni Jane ang kasunduan sa Huanyi Brothers Media Group at tinayo ang sariling studio at ngayon lumaki na ito sa isang kompanya na may mga kilalang mang-aawit na binansagang "Show City Times."

Noong 2006, inilabas ni Jane ang unang EP na pinamagatang "Jane Love" at lumikha ng rekord, na umabot sa 200,000 sales bolyum sa loob ng 3 araw.

Noong taong iyon, inilabas din ni Jane ang unang album na pinamagatang "The One" at idinaos ang unang concert sa Beijing kung saan niya inawit ang mga kanta sa "The One."

Mahilig si Jane sa pagkanta ng English songs, at ang mga lyrics nito ay karaniwang tungkol sa pag-ibig. Bakit gusto niyang kumanta ng English songs? Noong 15 taong gulang pa lamang siya, namatay ang tatay dahil sa cancer. Mula noon, nagkasakit din ang kanyang nanay. Kaya, kumanta siya sa isang bar para makatulong sa pasanin ng pamilya. Kumanta lamang siya ng English songs. Kahit wala siyang guro, mahusay siya sa pagkanta ng mga awit ni Mariah Carey.

Dahil sa magandang boses at talento, nakuhani Jane ang maraming mahalagang gantimpala sa loob at labas ng Tsina, gaya ng 7 taong "Best Female Singer" ng "Chinese Song List," at Best Asian Singer sa "2011 Asian Music Festival." Noong 2010, lumahok si Jane sa Ika-52 Grammy Awards, at naging unang Chinese singer na lumahok sa award na ito.

Noong 2013 at 2014, kumanta siya sa CCTV Evening Gala. Bukod dito, kumanta si Jane ng maraming theme song para sa mga pelikula. Halimbawa, inawit niya ang "Painted Heart" para sa "Painted Skin." Ito ay nakakuha ang Best Original Film Score sa Ika-28 Hong Kong Film Awards.

May Kinalamang Babasahin
maarte
v Jay Chou 2015-02-17 16:26:18
v Andy Lau 2015-02-11 16:06:01
v Eason Chan 2015-02-04 16:19:55
v Rene Liu 2015-01-26 17:46:22
v Beyond 2015-01-16 16:16:24
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>