|
||||||||
|
||
一个星期以后来取
20150312Aralin44Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Kadalasan, nagtatagal ng isang linggo bago kayo makakuha ng bagong kard at sasabihin sa inyo ng empleado ng bangko: "Balikan ninyo pagkaraan ng isang linggo."
一(yí)个(gè)星(xīng)期(qī)以(yǐ)后(hòu)来(lái)取(qǔ).
一(yí), isa; 个(gè), isa sa mga pinakamadalas na ginagamit na salitang panukat; 星(xīng)期(qī), linggo; 一(yí)个(gè)星(xīng)期(qī), isang linggo.
以(yǐ)后(hòu), pagkaraan.
来(lái), pumarito; pandiwang nagpapakita na ang direksyon ay papunta sa nagsasalita.
取(qǔ), kunin.
Narito ang ikatlong usapan:
A: 新(xīn)卡(kǎ)什么(shénme)时候(shíhòu)能(néng)办(bàn)好(hǎo)?Kailan magagawa iyong bagong kard?
B: 一个星期(yígèxīngqī)以后(yǐhòu)来(lái)取(qǔ)。Balikan ninyo pagkaraan ng isang linggo.
Ngayon, dumako na tayo sa Mga Tip ng Kulturang Tsino.
Ang "拾(shí)金(jīn)不(bú)昧(mèi)", huwag ibubulsa ang perang mapupulot sa daan, ay isang tradisyonal na kasabihang Tsino. Marami kayong makikitang lamesahan ng mga nawawalang bagay o Lost and Found corners sa mga paliparan, istasyon ng tren, istasyon ng subway, istasyon ng taksi at iba pang mga lugar na pampubliko. Dito dinadala ng mga tao ang mga aytem na kanilang nakikita o napupulot at dito rin pinupuntahan ng may-ari para bawiin. Mayroon na rin ngayong Lost and Found website.
Tandaan: Kung may mawawala kayong mahahalagang bagay, magreport kayo sa pulis sa lalong madaling panahon.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ===>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |