|
||||||||
|
||
150331melo.mp3
|
DAPAT dumaan sa proseso ang pagpapasagot kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na iginiit ng Makabayan Bloc na paharapin sa Mababang Kapulungan upang magpaliwanag sa trahedyang naganap sa Mamasapano, Maguindanao.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na ang kahilingan ng Makabayan na anyayahan si Pangulong Aquino sa pagdinig ay kailangang idaan sa maayos na proseso upang matiyak ang paggalang sa pangulo at sa ehekutibo.
Ayon sa Saligang Batas, magkapantay ang ehekutibo at lehislatura tulad rin ng hudikatura.
Sa isang press briefing, sinabi ni Atty. Lacierda na nararapat lamang igalang ang pagkakapantay ng ehekutibo at legislatura. Sa isang liham kay Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr., iginiit ng Makabayan bloc na marapat paharapin sa pagsisiyasat ng Mababang Kapulungan sa Mamasapano incident sa darating na Martes at Miyerkoles, ika-pito at ika-walo ng Abril si Pangulong Aquino.
May inihandang 20 katarungan ang Makabayan lawmakers na marapat sagutin ni Pangulong Aquino na ang karamihan ay sa papel na ginampanan ni dating police chief Director General Alan Purisima sa pagbabalak at pagpapatupad ng Mamasapano operation.
Naunang binanggit ng Palasyo na bahala na ang mga mambabatas na alamin ang mga paraan upang makatulong sa pagsisiyasat. Hindi nararapat abusin ang proseso, dagdag pa ni Kalihim Lacierda.
Nananatili ang pangako ni Pangulong Aquino na mabatid ang pawang katotohanan. Pumayag na ang pangulo, ani Secretary lacierda na ilabas ang kanyang pakikipagpalitan ng text messages kay G. Purisima noong umaga ng Enero 25, ang madugong araw ng sagupaan sa Mamasapanao.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |