![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Lider ng BIFF, nadakip sa Cotabato City
NAHULOG sa kamay ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang isang pinuno ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Campo Muslim, Barangay Mother Bagua, Cotabato City kagabing ikawalo't kalahati.
Kinilala ang nadakip sa pangalang Abdulgani Esmael Pagao, isang deputy commander ng BIFF. Hindi naman nanglaban sa Pagao ng madakip ng mga alagad ng batas na nagpakita ng warrant of arrest mula kay Executive Judge Bansawan Z. Ibrahim.
Isang kargadong kalibre 45 baril at isang granada ang nasamsam mula kay Pagao. Dinala siya kaagad sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) upang sumailalim sa inquest proceedings.
Siya ang ikalawang BIFF leader na nadakip mula ng magpatupad ng law enforcement operations laban sa BIFF noong nakalipas na buwan.
Isang Commander Bisaya ang napatay sa isang sagupaang kinatampukan ng mga kawal sa Datu Unsay noong Linggo.
Nag-utos na si AFP Chief of Staff General Gregorio Catapang, Jr. na tapusin na ang all out offensive laban sa BIFF kahapon ng tanghali, ika-30 ng Marso. Magpapatuloy ang mga patrolya laban sa mga bandidong grupo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |