|
||||||||
|
||
Bagyo sa tag-araw, madarama sasusunod na linggo
HANDA ang pamahalaan sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at Philippine Atmospheric, Geophysica and Astronomical Services Administration sa napipintong pagpasok sa Philippine Area of Responsibility ng bagyong pinangalanang si "Chedeng."
Papasok si "Chedeng" sa Philippine Area of Responsibility bukas.
Tiniyak ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na magbibigay ng updates ang mga ahensya ng pamahalaan ayon sa takdang panahon. Handa rin ang mga pamahalaang lokal at Department of Social Welfare and Development.
Nakita si "Chedeng" kahapon may 2,240 kilometro sa silangan ng Mindanao at may lakas na 140 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong 170 kilometro bawat oras at kumikilos sa direksyon ng kanluran sa bilis na 23 kiloemtro bawat oras.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |