|
||||||||
|
||
Filipino nasawi, tatlong iba pa ang nasugatan sa Libya
Ito ang sinabi ni Foreign Affairs Asst. Secretary Charles Jose sa isang mensaheng inilabas kanina. Umaasa siyang makapagpapadala ng dagdag na impormasyon ang Embahada ng Pilipinas sa Tripoli sa pinakamadaling panahon. (File Photo/Melo M. Acuna)
MATAPOS lumabas ang balitang isang Filipino ang nasawi sa Libya, nagtungo ang mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Zawiya upang alamin ang detalyes ng balitang lumabas at alamin ang kalagayan ng tatlong iba pang nasugtan.
Ayon kay Asst. Secretary Charles Jose, tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs, umaasa silang magkakaroon ng update sa pinakamadaling panahon. Nasabihan na ang pamilya ng nasawing Filipino.
Nakuha na rin ang mga pangalan ng mga nasugatan subalit hindi nila inihahayag ito sa media. Na sa kanlurang bahagi ng Tripoli ang Zawiya sa pananalakay na ginawa noong Linggo.
Sakay ang apat na Filipino sa isang kotse ng maganap ang rocket attack. Isang Sudanese at Libyan national na sakay sa magkahiwalay na kotse ang nasugatan sa insidente.
Naging magulo ang Libya mula noong 2011.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |