|
||||||||
|
||
Narses na nagbabalak mangibang-bansa, binalaan
NAKATANGGAP ng mga balita ang Embahada ng Pilipinas sa Roma na mayroong isang placement agency sa Malta ang nangingilap ng mga narses na filipino mula sa Libya, Italya at iba pang mga bansa at nangongolekta ng recruitment fees kapalit ng trabaho sa Malta at sa United Kingdom.
Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affaitrs, ang mga POEA-accredited placement agencies sa Malta ay autorisadong maghanap ng trabaho para sa mga Filipinong mula sa Pilipinas at karamiha'y mga nasa service sector, tulad ng room attendants, cleaners, personal carers o caregivers upang magtrabaho sa Malta.
Walang placement agency sa Malta ang autorisadong maghanap ng trabaho para sa mga narses na Filipino mula sa Libya. Italya at iba pang mga bansa upang maglingkod sa medical sector sa Malta at United Kingdom bilang pagtalima sa mga kautusan.
Hindi makapagtatrabaho ang narses na Filipino sa Malta at United Kingdom ng walang accreditation mula sa mga pamahalaan ng dalawang bansa. Kung sakaling magkakaroon ng impormasyon hinggil sa placement agency na nangangalap ng narses na Filipino, kailangang balitaan ang Assistance-to-Nationals Sections ng Embahada ng Pilipinas sa Roma sa 06-39746621 extension 207 at 224.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |