|
||||||||
|
||
melo
|
ISANG opisyal ng Malacañang ang nagsabing ang mga naganap sa Mamasapano at ang mga balitang mula sa media ang posibleng na katulong sa pagbagsak ng satisfaction rating ni Pangulong Benigno Simeon S. Aquino III ayon sa pagsusuri ng Social Weather Stations.
Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr. sa isang panayam na ang pagbagsak ng satisfaction rating ni Pangulong Aquino ay may kinalaman sa media.
MAMASAPANO AT MEDIA, MAY KINALAMAN SA PAGBABA NG RATING NI PANGULONG AQUINO. Ito ang sinabi ni Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. sa isang panayam. Nanawagan siya sa media na makiisa sa pamahalaan upang lumabas ang totoo sa mga balita. (File Photo/Melo M. Acuna)
Ipinaliwanag niyang malaking kontribusyon sa pagbaba ng satisfaction rating ng pangulo ang naganap sa Mamasapano noong ika-25 ng Enero. Ang mga public opinion surveys ay nakabase sa impormasyon mula sa media na nababasa at nauunawaan ng mga mamamayan.
May kinalaman umano sa media ang pagbaba ng satisfaction rating ni Pangulong Aquino, dagdag pa ni G. Coloma. Nakiusap si Kalihim Coloma sa media na makiisa sa pamahalaan sa pagbabahagi ng totoong impormasyon sa mga mamamayan.
Sa paghahayag ng totoong impormasyon, mauunawaan ng madla ang posisyon ng pamahalaan, dagdag pa ni Secretary Coloma.
Sa ginawang survey ng SWS, ang net satisfaction rating ni Pangulong Aquino ay bumagsak sa pinakamababang kalagayan sa + 11 points mula sa + 39 points noong Disyembre. Ang pagbagsak ay nakita sa buong bansa at sa lahat ng antas ng mga mamamayan.
Sa likod ng mga pangyayaring ito, hindi pa humihingi ng paumanhin si Pangulong Aquino sa naganap sa Mamasapano. Tanging pang-unawa lamang ang kanyang hiniling sa mga mamayan sa napalpak na operasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |