|
||||||||
|
||
Pagsasanay ng mga kawal Filipino at Americano, tuloy
ANG taunang pagsasanay ng mga kawal ng Pilipinas at Estados Unidos ay gagawin sa ika-20 hanggang ika-23 ng Abril. Ayon sa pahayag ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, magsasama ang mga kinawalan ng dalawang bansa sa mutual defense at disaster response exervises upang higit na umigting ang pagtutulungan ng dalawang grupo sa pangangailangan ng komunidad.
Ito ang ika-31 sa serye ng bilateral exercises ayon sa 1951 Mutual Defense Treaty. Tatlong sabay-sabay na programa ang gagawin tulad ng Humanitarian Civic Assistance ng pinagsanib na civil-military operations ng AFP, US at Australian Defense Forces sa mga pook na sakop ng Western Command sa Puerto Princesa, Central Command sa Panay Island upang mapalakas ang pagtutulungan ng civil-military cooperation bilang suporta sa mga layunin ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sa Command Post Exercise, nakatuon ang pagsasanay sa Marine Security (MARSEC) na mayroong Combined Arms Live Fire Exercise upang ipakita ang kakayahan ng AFP National Maneuver Force. Mga piling US at ADF staff memebrs ang makakasama sa Joint Liaison Group na susuprota sa capability development ng magkabilang panig.
Ang Field Training Exercises ay katatampukan ng mga tauhan ng Philippine Army, Philippine Air Force, Philippine Navy, Philippine Marine Corps, AFP Special Operations Force, United States Army, United States Air Force, United States Navy, United States Marine Corps, at United States Special Operations Force sa Crow Valley Gunnery Range sa Tarlac, sa Basa Air Base sa Floridablanca at Clark Air Base, Angeles City sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Marin Base Gregorio Lim sa Ternate, Cavite, Naval Base Heracleo Alano sa Sangley Point Cavite at ang Naval Station Leovigildo Gantiouqui sa San Antonio, Zambales.
Bubuksan ang Balikatan 2015 sa Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City sa Lunes, samantalang ang closing ceremony ay sa Clark Air Base sa ika-30 ng Abril.
Mayroong 5,023 katao mula sa AFP, 6,656 na kawal ang ipadadala ng US Armed Forces para sa joint exercises samantalang ang Australian Defense Force ay magpapadala ng 61 katao.
Gagamitin ng AFP ang 15 sa mga eroplano nito samantalang ang ADF ay magkakaroon ng isa samantalang mayroong 76 mula sa Estados Unidos. Isa sa mga barko ng AFP ang magagamat at mayroong tatlong barko ang Estados Unidos na makakasama sa pagsasanay.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |