|
||||||||
|
||
Ipinuslit na bigas, isusubasta na
NAKATAKDANG isubasta ng Bureau of Customs ang may 21,640 sako ng bigas sa Port of Zambopanga na inaasahang makakalikom ng P 22 milyon para sa tanggapan.
Isusubasta nila ang may 576,000 kilo ng bigas sa ika-15 ng Abril. Gagawin ang subasta sa pamamagitan ng sealed bidding na gagawin sa tanggapan ng Bureau of Customs sa Zamboanga sa ganap na ikalawa't kalahati ng hapon.
Ang bigas na mayroong 7,763 sako ng puting bigas, 3,072 sako ng well-milled premium-graded rice ang nasamsam ng tanggapan sa kanilang kampanya laban sa smuggling sa tulong ng pulis at militar.
Ang salaping malilikom ay matutungo sa trust account ng Bureau of Customs samantalang 'di pa tapos ang usapin.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |