|
||||||||
|
||
Problemang dulot ng trapiko, dapat malutas kaagad
NANAWAGAN sina George San Mateo ng PISTON at Dr. Ted Herbosa, isang propesor ng trauma medicine sa UP – Philippine General Hospital na lutasin na ng pamahalaan ang mga kaakibat na problemang dulot ng halos hindi gumagalaw na mga sasakyan sa mga lansangan ng Metro Manila at iba pang growth centers.
Kabilang sila sa mga panauhin sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga.
Ipinaliwanag ni San Mateo na pinabayaan ng pamahalaan ang tungkulin nitong magtayo ng mass transport facilities kaya't tumaas ang konsumo ng gasolina at benta ng mga bagong sasakyan.
Ipinaliwanag ni San Mateo na mula ng matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hindi na isinulong ni dating Pangulong Manuel Roxas ang mass transport system kaya't naiwanan na ng mga kalapit-bansa. Pinagtiyagaan na lamang ang US surplus engines na ginawang pampasaherong jeepney.
Nasimulan ni Pangulong Marcos ang Light Rail Transit na bumabagtas sa Rizal at Taft Avenues. Kung magkakaroon lamang ng angkop na bilang ng mass transport facilities, hindi na hihigpit ang daloy ng mga sasakyan sa mga lansangan sapagkat mas maraming may kotse ang sasakay sa mass transport system.
Sinabi ni Dr. Herbosa na napupuna nila ang pagtaas ng bilang ng mga taong may stress at sakit sa puso dahilan sa trapiko.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |