|
||||||||
|
||
Mga Filipino, nailikas mula sa Yemen
UMABOT sa 99 na mga Filipino ang nailikas sa magulong bansa ng Yemen na nasa gitna ng pag-aaklas at pananalakay mula sa Saudi Arabia.
Sa isang balitang inilabas ng Department of Foreign Affairs, ang crisis management team sa pamumuno ni Philippine Ambassador to Saudia Arabia Ezzedin Tago ang nakapagligtas ng 54 na kalalakihan at 43 kababaihan kasama ang dalawang sanggol palabas ng Yemen.
Ang grupo ay naglakbay sakay ng dalawang bus at umalis sa lungsod ng Hodeidah ika-pito ng umaga, oras sa Saudi Arabia kahapon. Dumating sila sa Tuwal border crossing matapos ang apat na oras na paglalakbay.
Ligtas naman ang paglalakbay maliban sa pagdaan sa ilang checkpoints sa 215 kilometrong lansangan. Tinutulungan ang mga evacuees sa Jizan sa Saudi Arabia at nabibigyan naman ng pagkain at matitirhan at inaayos na ang kanilang paglalakbay pabalik sa Pilipinas. Mayroon pa ring ililikas mula sa Sana'a na daraan din sa Hodeidah.
Abala ang iba't ibang bansa sa paglilikas ng kanilang mga kababayan mulasa Yemen samantalang nagwawagi ang Shia Houthi rebels kahit pa binobomba ng mga eroplano mula sa Saudi Arabia.
Masama na ang lob ng mga taga-Department of Foreign Affairs sa katigasan ng ulo ng mga Filipinong ayaw umalis sa magulong bansa. Ang mga magbabago ng isip ay kailangang makipagtalastasan sa crisis management team sa Movenpick Hotel Sana'a. Matatawagan sila sa telepono +967 73 -194 165 at +967 73 - 742 6292 at sa email address na cmt-sanaa@riyadhpe.com dagdag pa ng Department of Foreign Affairs.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |