Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsinong nagkakawang-gawa sa Intramuros

(GMT+08:00) 2015-04-14 09:16:42       CRI

Pagkakalason dahil sa milk tea, pambihira

SA naunang sample ng milk tea na nainom ng tatlo katao noong nakalipas na linggo ang natamo ng Kagawaran ng Kalusugan sa pakikipagtulungan sa Food and Drug Administration at mga dalubhasa sa UP-Philippine General Hospital. Nakuha na rin nila ang pelikula mula sa tindahan upang masuri ang mga kapuna-punang naganap at dahilan ng pagkasawi at pagkakasakit ng mga biktima.

Sa unang mga pagsisiyasat at pagsusuri, walang anumang nakitang nakalalasong sustansya. Sa pangyayaring ito, magkakaroon ng mas malawak na mga pagsubok tulad ng pagsusuri sa dugo, laman at nilalaman ng sikmura ng mga biktima samantalang ginagawa ang autopsy.

Ayon kay Acting Health Secretary Janette Garin, isang isolated case ang naganap. Ito umano ang ikatlong ulit ng bumili ang magkasintahan sa tindahan. Nakiusap si Dr. Garin sa madla na huwag nang palakihin ang isyu sapagkat maraming nabubuhay sa pagbebenta ng milk tea at iba pang pamatid-uhaw.

Nanawagan din siya sa madla na bantayan ang sintomas ng pagkakalason tulad ng pagsusuka, pagdudumi, panghihina ng kalamnan at kawalan ng malay. Kailangang madala kaagad sa pinakamalapit na pagamutan sapagkat mangangailangan ito ng agarang paggamot. Maaari silang tumawag sa 5548400 local 2311 at 5241079 at 0922 8961541.

Dalawa katao ang nasawi samantalang isa ang nasa malubhang kalagayan matapos makainom ng milk tea mula sa isang pondahan sa Maynila. Tuloy pa ang pagsisiyasat.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>