|
||||||||
|
||
Malaking bahagi ng nakalaang salapi sa 2015, nailabas na
UMABOT na sa 92.5% ng 2015 allotments para sa mga tanggapan ng pamahalaan ang nailabas na sa mga kagawaran at ahensya sa unang tatlong buwan pa lamang ng taon. Ito ang ibinalita ng Department of Budget and Management.
Magugunitang sinimulan ang paglalabas ng salapi ayon sa General Appropriations Act-as Release-Document noong 2014. Tumaas ang first quarter releases mula sa General Appropriations Act kung ihahambing sa 2014 na umabot sa 80.4% ang nailabas sa mga tanggapan. Nagkaroon ng increase na 16.7% mula sa nailabas noong nakalipas na taon.
Sinabi ni Budget Secretary Florencio Abad na ang pinakahuling ulat ang nagpapakita ng kanilang tagumpay sa pagkakatoon ng mas magandang pagpapalabas na pondo. Mapapabilis ang pagpapatupad ng mga proyekto sa lahat ng ahensya at kagawaran kasabay ng pagbabawas sa mga iregularidad sa paglalabas ng pondo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |