|
||||||||
|
||
Industriya ng mga sasakyan, lumago ng 22% sa unang tatlong buwan
LUMAGO ang industriya ng mga sasakyan ng may 22% sa unang tatlong buwan ng 2015 kung ihahambing sa benta noong 2014. Sa isang pahayag, sinabi ng Chamber of Automobile Manufacturers of the Philippines na humigit sa 60,000 units ang naipagbili sa buong bansa. Nagkaroon ng 62,882 units na binili ang mga Filipino ayon kay Atty. Rommel Gutierrez.
Ang benta noong Marso ay umabot sa 23,557 units at malaki ang naitulong sa quarterly performance ng mga nasa industriya.
May 5,051 units na kotse ang nabili mula noong Enero 2015 hanggang ngayon. Nagtamo ito ng 38% dagdag sa benta noong 2014 na 18,127 units.
Sa kanilang pagsusuri, ang maraming bumili ng sasakyan ay mula sa Business Process Outsourcing sa tinaguriang sub-compact category.
Sa larangan ng commercial vehicles segment, nagkaroon ng 37,831 units na mas mataas ng 13% kaysa benta noong unang tatnong buwan ng 2014.
Umabot sa 510 sasakyang kinabibilangan ng BMW, Mercedes Benz at Lexus ang nagkaroon ng magandang benta ngayong 2015. Lexus ang nagkaroon ng pinakamataas na growth rate na umabot namans a 73%.
Nanguna ang Toyota sa pagkakaroon ng 44.2%, Mitsubishi Motors na nagkaroon ng 18.8%. Pumangatlo ang Ford sa pagkakaroon ng 8.4% at Isuzu naman ang pumang-apat sa bentang 7.9%. Panglima ang Honda cars na mayroong 6.3%.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |