|
||||||||
|
||
150414melo.mp3
|
Mga mambabatas, inanyayahan ng Armed Forces sa Mamasapano
ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES, NAGKALOOB NG P 3.5 MILYON PARA SA NAULILA NG SAF 44. Ibinigay ni AFP Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang, Jr. (kanan) kay PNP Officer-In-Charge Leonardo Espina ang isang pinalaking kopya ng tsekeng nagkakahalaga ng P 3.5 milyon para sa mga nabalo at naulila ng SAF 44 sa seremonya sa Campo Crame kanina. (PNP Photo/Leonito Navales)
INANYAYAHAN ng Armed Forces of the Philippines ang mga senador at kongresista na sumama sa ocular inspection sa pook ng sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao.
Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni General Gregorio Pio Catapang na nais nilang tapusin ang isyu sa naantalang paggamit ng kanyon sa sagupaan sa Mamasapano noong Enero.
Ayon kay General Catapang, mababatid ng mga mambabatas ang tunay na kalagayan ng pook at ang limistasyon ng paggamit ng kanyon. Mauunawaan umano nila ang kahirapan ng panganganyon sa kanilang pagdalaw sa Mamasapano. Naipadala na ang mga paanyaya sa mga senador at kongresista kahapon.
Niliwanag ng heneral na hindi kasama ang AFP sa Oplan Exodus at hindi makasasagot sa isyu kung sangkot ang mga Americano sa operasyon na ikinasaawi ng 44 na tauhan ng Special Action Force.
Nagkaharap kanina sina Philippine National Police Officer-In-Charge Leonardo Espina at General Catapang sa pagkakaloob ng P 3.5 milyong donasyon mula sa Armed Forces of the Philippines para sa mga naulila ng SAF 44.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |