Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga mambabatas, inanyayahan ng Armed Forces sa Mamasapano

(GMT+08:00) 2015-04-14 17:35:25       CRI

Dalawang Tsino at isang Filipino, nadakip sa hiwalay na operasyon

UMABOT sa P 15 milyong halaga ng shabu o methamphetamine hydrochloride, ang nasamsam sa hiwalay na oeprasyon mula sa sinasabing mga Tsinong nagtitimpla nito at isang pusher ng mga tauhan ng pamahalaan noong nakalipas na Sabado.

Nadakip ng mga ahente ng PDEA at Philippine National Police ang dalawang Tsino at isang taga-Tondo sa Malate noong Sabado samantalang may mga dalang shabu.

Ang sinasabing mga "chemists" ay kinilalang sina Dominador Enresmo na may alias na Antonio Lee, 58 taong gulang na taga-Guandong, Tsina at isang Sung Wai Bing alias "Alex Ty Antes" na taga-Hong Kong. Nadakip sila sa isang entrapment operation sa El Soriente Hotel noong Sabado.

Ayon kay Director General Arturo G. Cacdac, Jr. matagal nang hinahanap ang dalawang kabilang sa talaang napapaloob sa "Operation Plan: Bismuth Crystal."

Sinalakay ng mga alagad ng batas ang Room 409 ng El Soriente Hotel sa panulukan ng J. Bocobo at Flores Streets sa Barangay 670. Nasamsam sa kanila ang dalawang zip-lock plastic bags na may putting mala-kristal na pulbos na pinaniniwalaang shabu na may dalawang kilo at cash na nagkakahalaga ng P1,300 at boodle money na nagkakahalaga ng P 800,0000 at dalawang pirasong P 1,000.

Pinaniniwalaang sangkot ang dalawa sa laboratoryong nadiskubre sa Masbate noong Valentine's Day.

Matapos ang ilang oras, nadakip naman si Sherwin de Ocampo na nagbibili ng humigit kumulang na isang kilong shaby sa Arellano at Zapanta Streets sa Malate, Maynila. Na sa piitan na ng PDEA si de Ocampo. Ipagsasakdal ang mga nadakip ng paglabag sa mga batas ng Pilipinas laban sa illegal na droga.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>