|
||||||||
|
||
Ibayong pagsisiyasat sa pagpaslang sa isang mamamahayag, sinimulan na
LAHAT ng anggulo ang pinag-aaralan ng pulisya sa pagpaslang kay Mei Magsino, isang dating correspondent ng Philippine Daily Inquirer na binaril kahapon ng dalawang kalalakihang sakay ng motorsiklo sa Batangas City.
Ayon kay Sr. Supt. Manuel Castillo, Batangas Provincial Police Director, inaalam na nila ang posibleng motibo ng pagpaslang.
Ayon kay Castillo, nagpa-blotter si Bb. Magsino noong ika-19 ng Marso laban sa isang lalaki na nagkautang sa kanya at nagtungo sa kanilang tahanan at nagbanta. May dala umanong baril ang inireklamo.
Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman ang pagpaslang sa kanyang dating mister sapagkat mayroon na siyang kinakasamang iba. Posible rin umanong may kinalaman ang pagpaslang sa dating niyang gawain bilang mamamahayag.
Iisang bala ang kumitil sa buhay ng social media practitioner. Wala umanong CCTV at walang saksi sa krimen. Hindi pagnanakaw ang motibo sapagkat hindi kinuha ang dalang bag na may cellphone ng biktima.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |