|
||||||||
|
||
BIFF, unti-unting mabubuwag sa pagpanaw ni Umbra Kato
NANINIWALA ang Armed Forces of the Philippines na sa pagpanaw ni Ustadz Amiril Umbra Kato, unti-unting mawawala ang Bangsamoro Independence Freedom Fighters. Magugunitang si Umbra Kato ang nagtatag ng BIFF.
Si Kato ay itinuturing ng AFP na isang tactical commander at naging spiritual leader ng grupo. Mahalaga ang kanyang pagiging spiritual leader sa pangangalap ng mga bagong tauhan sa kanyang galing sa Quran at kakahayan bilang isang lider ng kanyang grupo.
Nanawagan ang Armed Forces of the Philippines sa nalalabing mga kasapi ng BIFF na bumalik na sa Moro Islamic Liberation Front upang higit na madali ang kapayapaan sa Mindanao.
Ayon kay Fr. Eliseo Mercado, Jr., OMI, pumanaw si Umbra Kato kaninang ikalawa ng madaling-araw. Isa umanong makataong lider si Umbra Kato na nagpahalaga sa pakikipagkaibigan. Nanindigan sa kanyang pinaniniwalaan at umaasang magiging maganda ang kinabukasan ng mga Bangsamoro.
Nakapag-aral umano si Umbra Kato sa Saudi Arabia at naimpluwensyahan ng Wahhabi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |