|
||||||||
|
||
Kontrobersyal na negosyante, nahatulang mabilanggo
GINAWARAN ng hatol na pagkakabilanggo ng habang-buhay si Janette Lim-Napoles, ang kontrobersyal na negosyanteng isinangkot sa bilyon-bilyong pisong pork barrel scam, sa pagkakadetine sa kanyang pinsang si Benhur Luy.
Hinatulan ni Makati Regional Trial Court Branch 150 Judge Elmo Alameda kanina na mabilanggo si Gng. Napoles matapos mabatid na nagkasala ng serious illegal detention.
Inutusan din si Gng. Napoles na magbayad ng P100,000 para sa usaping serious illegal detention.
Noong nakalipas na Setyembre, sinabi ng mga abogado ni Gng. Napoles na hindi illegal ang pagkakabimbin kay Luy at walang anumang kautusang mula sa akusado.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |