|
||||||||
|
||
Pagdalaw ni OIC Secretary General Madani, tagumpay
MATAGUMPAY ang apat na araw na pagdalaw ni Iyad Ameen Madani, Secretary General ng Organization of Islamic Cooperation na nagmula noong ika-17 at nagtapos kamakalawa. Ipinarating ni G. Madani ang suporta ng OIC sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro at pagpapasa ng Bangsamoro Basic Law.
Samantalang nasa bansa, nakausap niya si Kalihim Albert F. del Rosario na nagparating ng pasasalamat sa humanitarian missions at assistance mula sa OIC at ng mga kasaping bansa sa Pilipinas sa hagupit ni "Yolanda" at "Sendong." Nagpasalamat din si G. del Rosario sa patuloy ng suporta ng OIC sa peace process.
Binigyang-diin din ni G. Madani ang layunin ng OIC na bigyang-pansin ang agham at teknolohuya at makakilos ang mga kabataan sa kanilang mga kasapi na hadlangan ang radicalization.
Kakampi ng OIC ang Pilipinas sa pagsugpo sa terorismo at transnational crimes at pagsusulong ng Karapatang Pangtao sa Asia. Tutulong din ang OIC na magtaglay ng observer status ang Pilipinas ngayong 2015. Nakaharap din niya sina Peace Adviser Teresita Quintos-Deles at courtesy calls sa Senate President Franklin M. Drilon at Speaker Feliciano I. Belmonte, Jr. at iba pang mga mambabatas.
Nakausap din niya ang MILF at MNLF sa Davao. Pinamunuan din niya ang Bangsamoro Coordination Forum.
OIC SECRETARY GENERAL, DUMALAW KAY PANGULONG AQUINO. Nag-usap sina Organization of Islamic Conference Iya Ameed Madani (kaliwa) at Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III (kanan) sa Malacanang noong Lunes at pinag-usapan ang paninindigan ng OIC sa peace process at maging sa Bangsamoro Basic Law. Matagumpay umano ang pagdalaw ng OIC secretary general. (OIC Photo)
Dumalaw din siya kay Pangulong Aquino sa Malacanang noong Lunes. Pagbabalik-aralan nila ang mga naunang nalagdaang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at MNLF at MILF.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |