|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Basit Usman, napaslang

Basit Usman, napaslang. Makikita sa larawan ang labi ni Basit Usman, ang sinasabing dalubhasa sa paggawa ng bomba na pinasasabog sa ilang bahagi ng Mindanao. Mula ang larawan kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang, Jr. Ani General Catapang, hidwaan sa loob ng kanyang grupo ang dahilan ng pagkakapaslang dahilan sa pabuyang nakalaan sa makapapaslang sa kanya. (AFP PIO Photo)
IBINALITA ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang, Jr. ang pagkakapaslang kay Basit Usman, ang sinasabing terrorist-bomber na may kagagawan ng pagkasawi at pagkabalda ng mga mamamayan sa serye ng mga pambobomba sa Mindanao.
Sa isang press briefing, sinabi ni General Catapang na ayon sa mga balitang nakarating sa kanilang tanggapan, napaslang si Usman at lima sa kanyang mga 'di pa kilalang mga kasama sa isang sagupaan na kinatampukan ng kanyang mga kasamang miyembro ng kanyang grupo sa Sitio Takeneken, Barangay Muti, Guindulungan, Maguindanao kahapon ng ika-sampu ng umaga.
Naganap ang sagupaan malapit sa Camp Afghan, isang pansamantalang pook ng mga MILF na umalis sa kanilang mga tahanan sa pagpapatupad ng military operations laban sa BIFF noong huling linggo ng Pebrero.
Ayon pa kay General Catapang, ang mga MILF na pansamantalang naninirahan sa kampo ang sumugod at nadiskubre ang mga bangkay na may taglay na M60 General Purpose Machine Gun, isang RPG at isang kalibre 5.56 Bushmaster Rifle.
Ayon sa ulat na natanggap, nagkaroon ng mga 'di pagkakaunawaan sa mga tagasunod ni Usman dahilan sa malaking pabuyang nag-aabang sa sinumang makakapaslang sa kanya. May larawang ipinakita at ibinigay sa mga mamamahayag upang patunayang napaslang nga si Usman.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |