|
||||||||
|
||
150423melo.mp3
|
Customs Commissioner Sevilla, nagbitiw
UMALIS na sa kanyang puwesto si Customs Commissioner John Phillip P. Sevilla mula ngayon.
Mayroon umanong "political pressures" dahil sa halalang magaganap sa 2016, nagbitiw si Sevilla kahapon sapagkat hindi siya politikong tao.
Ani Sevilla, nalungkot siya na hindi na matatapos ang kanyang sinimulang reporma na naglalayong mabura ang katiwalian sa kanyang tanggapan at madagdagan ang koleksyon.
May mga malalakas na puwersa umanong humihiling na posisyon sa kanyang tanggapan. Binanggit sa balita ang Iglesia ni Cristo na interesado sa magagandang assignment sa Bureau of Customs.
Dating Finance Undersecretary for Corporate Affairs Group at Privitization si Sevilla ng mahirang ni Pangulong Aquino na Customs Commission noong Disyembre 2013.
Pinasalamatan at pinuri ni Finance Secretary Cesar V. Purisima si Commissioner Sevilla. Sa kanyang pahayag, malaki umano ang nagawa ng nagbitiw ng customs commissioner sa ilalim ng kanyang reform program.
Produkto umano ng Cornell at Princeton si G. Sevilla at nakita ang mga pagbabagong ipinatupad niya sa Bureau of Customs.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |