|
||||||||
|
||
INILIPAT na ang lahat ng mga bilanggong nahaharap sa parusang kamatayan sa isang pulo sa Indonesia.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, kabilang sa mga inilipat ang mga nag-apela kabilang na si Mary Jane Veloso. Inatasan ng pamahalaan ng Indonesia ang paglilipat sa lahat ng mga nahatulan ng kamatayan.
Niliwanag ng Department of Foreign Affairs na hindi man lamang naabisuhan ang mga abogado at mga taga-Embahada ng Pilipinas sa Jakarta sa paglilipat na ito.
Samantala, nanawagang muli si Vice President Jejomar C. Binay sa mga mamamayan na ipagdasal si Mary Jane Veloso matapos mabatid na inilipat na siya kaninang umaga sa Nusakiambangan, isang pulo para sa kinikilalang "high profile prisoners."
Inulit ni G. Binay ang pinag-daanan ni Mary Jane na may dalawang anak. Layunin lamang niyang gumanda ang kinabukasan ng mga anak kaya't nangibang-bansa. Ipinaliwanag pa ng pangalawang pangulo na sa lahat ng pagsisiyasat, lumabas na nagoyo si Mary Jane na magdala ng droga sa Indonesia. Kahit ang Philippine Drug Enforcement Agency ay nagsabing walang pagka-alam si Mary Jane sa drug trafficking. Isang patunay na walang kinalaman si Mary Jane sa sindikato ay ang pananatiling aba ng kanyang pamilya at mga anak.
Sa pinakahuling balita mula sa Department of Foreign Affairs, ipinarating na ng Embahada ng Pilipinas sa Jakarta ang second appeal for judicial review sa kaso ni Mary Jane Veloso sa hukuman.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |