|
||||||||
|
||
150421melo.m4a
|
NAGDESISYON na ang Korte Suprema na pigilan ang pagpapatulad ng Commission on elections ng isang kontratang nagkakahalaga ng P 268.8 milyon na extended warranty contract sa kontrobersyal na Smartmatic – Total Information Management Corporation.
Napapaloob ang kontrata sa isang resolusyon ng Comelec na may bilang na 9922 para sa pagsusuri, pag-aayos at paglalagay ng iba pang kagamitan sa Precinct Count Optical Scan machines.
Nagkaisa ang mga mahistrado sa kanilang desisyon at nagsabing hindi naipaliwanag ng mahusay ng Comelec ang kanilang desisyong igawad ang kontrata sa Smartmatic-TIM.
Ang mga nagpetisyon sa Korte Suprema, ang Automated Election System Watch at Integrated Bar of the Philippines ay nanawagan sa Korte Supremang pawalang saysay ang Comelec Resolution 9922 sa paglabag sa Saligang Batas at sa Republic Act 9184 na kilala sa pamagat na Government Procurement Reform Law.
Ayon sa AES Watch, hindi iginalang ng Comelec ang Republic Act 9184 sapagkat nawala ang competitive bidding na makasasama sa interes ng publiko.
Sinabi naman ng Integrated Bar of the Philippines na nagkaroon ng abuse of discretion ang Comelec sa pagpapasa ng Resolution 9922. Ayon sa Comelec, gahol na sa oras kaya't hindi na nagkaroon ng bidding.
Mula sa Baguio City na pinagdarausan ng sesyon ng Korte Suprema, sinabi ni Spokesman Theodore Te na binaluktok ng Comelec ang procurement law. Maliwanag ding umabuso ang Comelec kaya't nararapat mawalang saysay ang Resolution 9922 at Extended Warranty Program (Part 1) at ang anumang halagang naibayad na sa Smartmatic-TIM ay nararapat lamang ibalik sa pamahalaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |