|
||||||||
|
||
20150513 Melo
|
SINABI Ambassador Guy Ledoux ng European Delegation to the Philippines na mahalaga ang pagtutulungan ng Pilipinas at ng European Union upang higit na lumago ang kalakalan.
Sa kanyang talumpati sa idinaos na ikalawang business dialogue kahapon, sinabi ni Ambassador Ledoux nanagsama-sama ang mga mangangalakal ng Europa upang mag-alok ng mga mungkahi sa pagpapatibay ng kalakalan.
Matatag na ang pagtutulungan ng Pilipinas at European Union subalit higit na lumago ang kalakalan at naabot ang € 12.5 bilyon noong 2014. Mas malaki ito ng 15% kung ihahambing sa kalakalan noong 2013. Lumago rin ang European Union investments noong 2014 at umabot sa 58% sa halagang halos P50 bilyon o higit pa sa 25% ng mga bagong investments sa Pilipinas.
Bumuo ang mga mangangalakal na mula sa EU ng isang advocacy paper na basehan ng kanilang pag-uusap kahapon. Kabilang sa mga rekomendasyon ang mga nararapat gawin sapagkat magkakaroon na ng ASEAN integration.
Mayroong nakatakdang pulong sa idaraos na European Union-ASEAN na gagawin sa darating na ika-23 ng Agosto.
Kailangang maipatupad ang competition law, ang customs modernization at tariff act at ang revision ng BOT o Private-Public Partnership at ang pagluluwag ng pag-aari ng mga banyaga ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas.
Sa mga bagay na ito nakasalalay ang kinabukasan ng kalakalan, dagdag pa ni Ambassador Ledoux.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |